6.10.2008

Developer VS Tester

Eto ang kadalasang eksena sa mundo ng IT.
Mataas ang “ego” ng mga Developer.
Mas mataas naman ang sa Tester.
Mas importante and trabaho ng Tester; ngunit lahat ng sisi sa huli lahat sa kanila binabagsak.
Importante din naman ang trabaho ng Developer dahil kapag walang ginawa ang Developer, walang trabaho ang Tester.
Hindi mabubuo ang isang application kung walang Developer ngunit hindi maibibigay sa cliente ang ginawa ng Developer kapag hindi tinest ng Tester.
Hindi pwedeng i-test ng Developer ang kanilang ginawa pwera na lang ang tinatawag nilang debugging o “Component Testing”

Konting kwento lamang:
Ang Component Test ay isa sa anim na testing phase na ginagamit upang maging maayos ang pagbuo ng isang application.
Eto ang unang ginagamit na testing sa V-model. Ito ay kahilera ng “Design/Build” phase.
Ang malimit na gumagamit o gumagawa nito ay ang mga Developer mismo.
Eto ang proceso na ite-test o tawag ng iba “debug” nila ang mga codes.

Pagpapatuloy ng aking sentimiento…
Oo ginagamit ng mga Developer ang kanilang mga utak, ngunit…
(Depende kung “one-man-team”) alam ba nila ang kabuuan ng codes?
Yung tipong lahat ng codes ng isang application?
Dahil ang isang Developer ay hindi pwedeng magsarili (depende ulit ito kung “one-man-team” ka)
Eto naman ang kaibahan ng Tester sa Developer
Bawat proceso na ginagamit ng application ay alam ng Tester.
Hindi maaring parte lamang ng isang application ang alam nya
At hindi ang coding standard ng developer ang pagbase ng pag-te-test ng Tester.
Dahil nagsisimula pa lamang ang proceso, ang Tester ay my papel na.
Magbasa ng mga Requirements.
Dahil doon lahat mang-gagaling ang gagawin ng Developer.
“Boring” sabi ng iba.
“Hindi ginagamitan ng isip” sabi naman nila.
Ngunit hindi ba nila alam na ang trabaho ng Tester ang pinakamahalaga sa IT world?
Siguro nga yung mga nagiisip ng mga bagay na ito (Developer) ay masyadong mataas ang pagtingin sa sarili nila.
Hindi naman masama magisip ng ganun pero sa huli bale wala ang Developer kung walang Tester.
Kung baga; si Batman at Robin, Angelina Jolie at Brad Pitt, Katie Holmes at Tom Cruise.
Hindi mabubuo ang “ideal world” kung wala sa eksena ang dalawa.

Maniwala tayo’t sa hindi bawat isa sa atin ay Tester kahit wala ka sa mundo ng IT.
Ayaw nyo maniwala? Eto ang mga halimbawa:
Bibili ka ng bagong gamit, sabihin natin damit, sapatos, alahas at kung ano-ano pang sinusuot natin sa katawan. Ano ginagawa natin? Hindi ba’t sinusukat natin sila para malaman kung kasya? Ang pagsusukat ng mga bagay-bagay ay isang paraan upang malaman natin kung “worth-it” ba ang nabili. Ganun din sa IT. Hindi kukunin ng cliente ang isang application kapag nakikita nyang hindi makakatulong sa pagunlad ang bibilin nya na software. Para lamang yang “Assembly Test”. Tinitingnan natin kung my pupuntahan ba ang ginagasta nating pera. Kung “worth-it” nga ba o masasayang lamang sa huli.

Isa pang halimbawa:
Ipod, laptop, tv, cellphone at iba pang gadget. Ano ginagawa mo bago ka bumili? BINGO! Kailangan mong tingnan kung gumagana, kung tama ang lahat ng functionalities, kung my gasgas, kung mabilis ang pag-response ng applications o ng mga pinipindot mong hardware at titingnan mo ang kabuuan ng isang gadget. Dito naman maitutulad ang “Product Test” at “Performance Test”. Tinitingnan natin ang kabuuan ng isang bagay at kung mabilis ba ang pag balik pag-response sa atin kapag ginamit na natin ito.

Pinaka-huling halimbawa:
My tinatawag tayong “test-drive”. Kunwari bibili ka ng sasakyan pero hindi mo alam ang mga kakayanan nito. Hindi ba’t merong pagkakataon na papayagan kang ilabas ang sasakyan na nais mong bilin at subukan kung ito nga ba’y bagay sa lifestyle mo? Eto naman ang pwedeng ikumpara sa UAT o “User Acceptance Test”. Bago mo ibigay o bilin ang isang bagay, hindi ba’t kailangan muna natin itong itest o ipatest sa mga taong gagamit nito?

Ang mga nakasulat dito ay pawing mga karanasan lamang. Hindi ito imbento o kasinungalingan.

Babala: Hindi lahat ng Tester at Developer ang tinutukoy dito. Walang pikunan, katotohanan lamang. ^_^


2 comments:

DanieL said...

ang masasabi ko lang, dapat sila pareho cohesive silang mag-exist. kasi hinde ma-de-deploy ang application kung wala ang isa't isa.

juLiBee said...

ahahaha... agree ako jan!